Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 5 Kontemporaryong Panitikan:Paghihinuha at Pagbuo ng Puzzle.
Zest for Progress
Zeal of Partnership
8
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geraldine C. Dagotdot
Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Adela S. Luang
Maricel S. Jarapan
July G. Saguin
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat:Peter Alavanza,
Tagapamahala: Felix Romy G. Triambulo, CESO V
Oliver B. Talaroc,Ed.D
Ella Grace M. Tagupa, Ed.D
Jephone P. Yorong, Ed. D
Lindo O. Adasa Jr.
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
Natutukoy ang mga tunay na salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa; (F8PT-IIIe-f-31)
Nahihinuha ang paksa, layon,at tono ng akdang nabasa.(F8PB-IIIe-f-
31)
Balikan
Panuto: Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong
konsepto o pananaw tungkol sa mga paksang nakatala sa bawat bilang.
1.Gamit ang ekspresyong alinsunod sa…..ay ipahayag ang iyong pananaw
hinggil sa turo ng iyong ,mga magulang.
.
2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong
tularan gamit ang ekspresyong ayon sa/ayon kay….
3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa….ay ipahayag ang pananaw ng
paborito mong awtor tungkol sa isang aklat na kanyang ginawa.
4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang aking
paniniwala sa….upang masabi ang pilosopiya o gabay sa buhay na iyong sa
buhay na iyong isanasabuhay.
5. Sabihin ang iyong mga pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na
iyong nalampasan gamit ang iyong ekspresyong Palibhasa’y naranasan ko
kaya masasabi kong….
Tuklasin
Ikaw ba ay mahilig manood ng telebisyon?Gaano ka kadalas manood?Pansinin mo ang mga programang pantelibisyon saibaba.
Pamilyar ka ba sa mga ito?
_____________
Aralin 1
Kontemporaryong Panitikan: Paghihuha at Pagbuo ng Puzzle.
Programang Pantelebisyon
IMBESTIGADOR
STORY LINE
KMJS
I-Witness
TV Patrol
Umagang Kay
Ganda
a
Mula sa mga nabanggit na programang pantelibisyon ay magtala ng mga
madalas mong panoorin at magpahayag ng maikling paliwanag kung bakit mo ito paboritong panoorin.Isulat sa loob ng telebisyon ang inyong sagot.
Programang madalas panoorin Dahilan kung bakit ito nagustuhan
______________________ _______________________ ______________________ ______________________________
______________________ ______________________________
B: TUTUKAN MO…..Larawan ko,sagutin mo! Apat na larawan para sa
dalawang salita!
Suriin mo ang mga larawan sa ibaba.Pamilyar ka ba sa mga larawang
ito?Batay na mga larawang ipinakita,ano ang dalawang salitang iyong
mabuo?
www.pinterest.ph
Sagot: ____________ _____________
D
K A I A A N
P K P
L A S G A
A
E U
A
U
A
N O
T
C: Krusigrama
Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng puzzle.
Gawing gabay ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at
PABABA.Gamitin ang mga salitang nasa krusigrama bilang kragdagang
palatandaan upang matukoy ang tamang salita.Gamitin sa makabuluhang
pangungusap ang iyong nahulaang salita.
1.
2.
4.
3.
PABABA PAHALANG
1.mapamaraan 2.dalita,karukhaan
2.kasawian,kapighatian 3.kalsada,kalye,daan
4.pagnanakaw
Suriin
Basahin at unawaing mabuti ang teksto
Diskarteng Bata
Isang dokumentaryo ni Kara David
GMA Network: I-Witness
Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng
Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa ,masasamang mga gawain. Nakilala noon ni Kara ang
isang katorse anyos na si “JM”-isang batang hamog.Mula sa Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila---naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan.Pero ilang linggo
lamang na umire ang dokumentaryo, namatay siya habang dumidiskarte sa kalsada.
Noong 2011 din,pinagdedebatehan ng mga mambabatas ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward
ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong isyu. Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail.Walong taon na ang nagdaan ngunit hindi nakuhang
iwan ni “Roy” ang iligal na gawain. At tila nauulit lamang ang mga isyung kinakaharap ng ilang kabataan
ngayon.Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si “Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn”.Pero pagkalabas sa eskwela imbis na
umuwi,diritso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot.Pero hindi raw bisyo ang nagtulak kay “Dodong” na gumawa ng masama,kundi para may maiabot
na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni “Jocelyn” ,walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskarte
ng bata. Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng “Age of Social Responsibility’
para maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen?
Diskarteng Bata.Directed by Anna
Isabelle Matutina,documented by Kara David.GMA Public Affairs. I-Witness.https//www.gmanetwork.com
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.Ano ang nangyari sa batang si JM habang dumudiskarte ito sa kalsada? a.nabundol c. namatay
b.nahuli ng mga pulis d. nasugatan
2. Batay sa dokumentaryong nabasa,ano-ano ang mga paraan o diskarteng ginawa ng mga bata para magkapera?
a. Namamalimos c. pagnanakaw at pandurukot b. Nandurugas d.nagbibinta ng ipinagbabawal na gamot
3. Bakit kaya sa murang edad may mga batang natuto nang gumawa ng krimen?
a. dahil sa kagustuhang magkaroon ng maraming pera b. dahil sa murang edad natuto na silang magbisyo c. dahil sa hirap ng buhay na kanilang naranasan
d. upang mabili ang kanilang gusto 4. Sang-ayon ka ba sa pagbaba ng “Age of Social Responsibily” para maiwasan
ang mga kabataang gumawa ng krimen? a. Oo,dahil sa pamamagitan nito ay magkaroon ng takot ang mga
kabataan sa pagawa ng krimen dahil alam nila na kahit sa murang edad ay maari silang maparusahan o makulong sa salang kanilang ginawa. b. Oo, dahil sa ganitong paraan sila ay maparusahan at madisiplina
nang sa ganoon sila ay magtanda at di na uulit sa pagawa ng mali. c. Hindi, dahil kahit ibaba pa ang ”Age of Social Responsibility” ay may
mga bata pa rin na gagawa ng mga iligal dahil sa kahirapan. d. Hindi,dahil masyado pa silang bata para maparusahan at makulong.
5. Para sa iyo, ano ang pinakaepektibong paraan upang mapigilan ang mga iligal na gawain na kinasasangkotan ng mga kabataan? a. Dapat paglaanan ng sapat na pundo ng pamahaan para sa libreng
pag-aaral at magtayo ng mga orphanage para sa mga batang lansangan na hindi kayang matustusan ng mga magulang ang kanilang pangangailangan
b.Kailangan tutukan at pangangalagaan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi ito mapariwara.
c.Sagutin ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga batang mahihirap. d. Ipagkatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa DSWD
upang hindi ito makagawa ng mga iligal na gawain.
Alam mo ba? Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcasting ay ang telebisyon.Hindi maikakailang bahagi na ito ng buhay ng bawat
Pilipino.Kinawiwilihan natin ang panonood ng mga programang pantelibisyon.Tunay na napakalaki ng epekto nito sa buhay ng mga
Pilipino. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon
ng Batas Militar,sumisibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mga makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan.Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum ng
paghahatid ng mahalagang kaganapan sa bawat sulok ng mundo sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon.Ito ay maituturing na
iasng uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng tao
patungkol sa isang isyu.
Ang paghihinuha ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon
tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.Ito ay maaaring magmula sa iyong sariling paniniwala at pagkaintindi sa isang konteksto ng
pangyayari.Ito rin ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya na nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga ipinahiwatig na
nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa talasalitaan,kakayang magpakahulugan sa mga patalinghagang pahayag
at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda ay makatulong sa pagbuo ng mga hinuha.Ang kakayahang makapagbigay ng hinhuha ay
patunay lamang na totoong naiintindihan o naunawaan ng mambabasa ang kaniyang binasa.
Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong upang makabuo ng paghihinuha tungkol sa binasang akda. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1.) Ang paksang tinalakay sa akdang binasa ay tungkol sa:
a. ang pagpapababa ng edad ng “Age of Social Responsibilty” upang
maiwasan ang mga kabataang gumawa ng krimen.
b. pangangalaga ng mga batang lansangan
c. mga batang bihasa sa pagnanakaw
d. buhay ng mga menor de edad na maagang nasangkot sa mga
masamang gawain
2.) Ano ang tono na nangingibabaw sa akdang binasa?
a. nanunumbat
b. nangangaral
c. nanunudyo
d. nagpapabatid
3.) Ito ang pangunahing layunin kung bakit naiulat o naisulat ang
dokyumentaryong nabasa.
a. upang maipaalam sa atin ang tunay na buhay o kalagayan ng mga
batang hamog o batang kalye nang sa ganoon ay mapangalagaan at
mabigyan ng aksiyon ng pamahalaan tungkol dito
b. upang mabigyang lunas ang mga krimeng nangyayari sa lansangan
c. upang malaman ng mga pulis kung saan matatagpuan ang mga
mandurukot
d. upang mabigyan ng tamang pag-aaruga ang mga batang lansangan
4.) Bakit kaya nasangkot ang mga batang nabanggit sa akda sa mga iligal
na gawain?
a. dahil gusto nilang magkapera sa madaling paraan
b. upang matustusan ang kanilang mga bisyo
c. dahil mahirap lamang ang kanilang buhay at nais nilang
makatulong sa kanilang mga magulang
d. dahil sa kanilang mga pangangailangan na hindi matugunan ng
kanilang mga magulang ulot ng kahirapan
5.) Ang layon ng tekstong binasa ay____________.
a. mangatuwiran
b. nagsasalaysay
c. nagpapabatid
d. nangangaral
Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto na nasa ibaba. Maghinuha
kung ano ang paksa,layon,damdamin o tono ng tekstong binasa.Piliin sa loob ng kahon ang iyong sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa graphic organizer
Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang
pagkakaroon ng COVID-19 sa ating bansa lalo na sa iyong sarili at mga mahal sa buhay. Samantala,ang karamihan sa mga kaso ng COVID-19
(81 %) ay mayroong bahagyang mga sintomas lamang lalo na sa mga bata at young adults. Maliit lamang ang posibilidad na kakailanganing
maospital ng mga apektadong pasyente. Sa kabilang banda, siguraduhing proteksiyunan ang sarili upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa iyong mga mahal sa buhay
at komunidad.Ugaliing gawin ang tamang paghuhugas ng kamay, social distancing at tamang pag-ubo. Bukod dito, maaaring sundin ang mga
payo at abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal particular na ang pag-iwas sa mga malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong
lugar. https//www.doh.gov.ph
COVID-19 pagkabahala nangangaral Ipabatid ang nararapat gawin upang maiwasan ang pagkalat ng COvid- 19 lungkot saya
Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
kaisipan tungkol sa paksang tinalakay.
Ang _________________ ay pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap.Ito ay maaaring
magmula sa iyong sariling paniniwala at _____________ sa isang konteksto ng pangyayari.Ito rin ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na
ideya na nagpapahayag ng mga _____________ batay sa mga ipinahiwatig na nakalimbag sa teksto. Mahalaga ang pagkakaroon ng __________ na kaalaman
sa talasalitaan,kakayang magpakahulugan sa mga
______________ pahayag at katalasan ng isip sa mga
pahiwatig ng may-akda ay makatulong sa pagbuo ng mga
hinuha.Ang kakayahang makapagbigay ng hinhuha ay
patunay lamang na totoong naiintindihan o naunawaan
ng mambabasa ang kaniyang binasa.
Tono: Damdamin:
Akdang binasa
Paksa: Layon/layunin:
Tayahin
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama.
Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa(na kiming inabot naman ito agad sa kaniya,tulad ng nararapat).
-bahagi ng kwentong Ang Ama
na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
1. Mahihinuhang ang ama ay magiging______________.
a. matatag c. matapang
b. mabuti d. masayahin
2. Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay______________.
a. maawain c. matulungin
b. mapagmahal d. maalalaha
“Huling sabado ng Pebrero ang Ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan .
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay namatay ang aking anak. Ilang
sandali matapos sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at
pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya
habang tangan ko aking mga bisig. Hinintay lamang niya ang aking
pagdating. Hindi na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko palang ng
pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding
sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isa’t kalahati siyang naghirap.
Nabulag,nanigas,nilabasan ng maraming dugo sa bibig at naghabol nang
naghabol ng kaniyang hininga”.
3.) Masasalamin sa teksto na ang nagsasalita ay labis na____________.
a. natuwa c. nag-aalala
b. nabahala d. nalungkot
4.) Layunin ng teksto na_______________.
a. mangatuwiran c. maglahad
b. magsalaysay d. maglarawan
Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan ng tamang sagot.
“Kaibigan, pinaparusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang namatay sa
pakikipaglaban,kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
5.) Ano ang damdamin o tono na nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?
a. nagsisi c. nalulungkot
b. nahihiya d. natatakot
Karagdagang Gawain
Panuto: Manood ng isang dokyumentaryong pantelebisyon at sumulat ng isang
talata ukol nito.
Pamantayan sa
Pagmamarka
1
(Maraming
kakulangan)
2
(di-
mahusay)
3
(katamtaman)
4
(mahusay)
5
(napakahusay)
Nailalahad ng maayos
ang talatang binuo.
Nagagamit ang mga
salita nang maayos
Malinaw na nailalahad
kung ano ang nais
ihatid para sa
mambabasa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Panitikang Filipino 8 Modyul ng Mag-aaral(Deped Textbook)
Panitikang Asyano 9 Modyul ng mag-aaral (Deped Textbook)
Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon
https//www.doh.gov.ph
Isaisiip
paghinuha
pagkaintindi
pala-palagy
malawak
patalinghaga
Tayahin
1. A 2. B
3. D
4. B
5. C
Suriin
1. C 4. A
2. C 5.
3. C
Pagyamanin
1. D
2. D
3. A
4. D 5. C
Gawain
Paksa: Covid-19
Layon:ipabatid ang dapat gawin upang maiwasan ang
Covid-19
Tono:nangangaral
Damdamin: pagkabahala
Tuklasin
B.
Batang Lansangan/Batang
Kalye
C.
Pahalang:
2.kahirapan
3. Lansangan
Pababa:
1. Diskarte
2. kapahamakan
4.pandurukot
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace
Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.